Ang wikang Filipino ay mayaman sa sawikain, o idyoms (idioms), ito ay mga salita o grupo ng salita na ang kahulugan ay hindi puwedeng isalin ng literal, ito ay may ibang kahulugan.
Ang sawikain o mga idyoms ay bahagi ng Panitikang Pilipino, ang pinagmulan nito ay di alam, ito ay naipasa galing sa mga nagdaan henerasyon, ito ay di lamang ginagamit sa araw-araw na pag-uusap ng mga Pilipino, ito rin ay gingamit ng mga manunulat sa kanilang mga artikulo, upang magbigay ng makulay na paglalarawan, o pagtalakay.
Naririto ang mga halimbawa ng sawikain / idyom.
1. | agaw-buhay | naghihingalo | |
2. | anak-dalita | mahirap | |
3. | anak-pawis | magsasaka; manggagawa | |
4. | alilang-kanin | utusang walang sweldo, pagkain lang | |
5. | balitang kutsero | hindi totoong balita | |
6. | bantay-salakay | taong nagbabait-baitan | |
7. | bungang-tulog | panaginip | |
8. | balat-sibuyas | maramdamin | |
9. | buto't balat | payat na payat | |
10. | basag-ulo | gulo, away | |
11. | bungang-tulog | panaginip | |
12. | di makabasag-pinggan | mahinhin | |
13. | di mahulugang-karayom | maraming tao | |
14. | haligi ng tahanan | ama | |
15. | Ilaw ng tahanan | ina | |
16. | Ilista / isulat sa tubig | kalimutan | |
17. | itaga sa bato | tandaan | |
18. | kaututang dila | katsismisan | |
19. | kumukulo ang dugo | naiinis, nasusuklam | |
20. | kusang palo | sariling sipag | |
21. | lumaki ang ulo | yumabang | |
22. | makati ang paa | mahilig sa gala o lakad | |
23. | mababaw ang luha | madaling umiyak | |
24. | mahaba ang buntot | batang laging nasusunod ang gusto | |
25. | makitid ang isip | mahinang umunawa | |
26. | nagbabatak ng buto | nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan | |
27. | nagbibilang ng poste | walang trabaho | |
28. | naglahong parang bula | nawalang bigla, di na nakita | |
29. | namamangka sa dalawang ilog | salawahan | |
30. | namuti ang mata | nainip sa kahihintay | |
31. | nagmumurang kamatis | matandang nag-aayos binata o dalaga | |
32. | ningas-kugon | panandalian, di pang-matagalan | |
33. | panis ang laway | taong di-palakibo | |
34. | pag-iisang dibdib | kasal | |
35. | pagkagat ng dilim | pag lubog ng araw | |
36. | saling-pusa | pansamantalang kasali sa laro o trabaho | |
37. | sampid-bakod | nakikisunod, nakikikain, o nakikitira | |
38. | taingang kawali | nagbibingi-bingihan | |
39. | takaw-tulog | mahilig matulog | |
40. | utak-biya | bobo |