Ang Pasko ay sumapit
Tayong ay mangagsi-awit
Ng magagandang himig
Dahil sa Diyos ay pag-ibig.
Nang si Kristo'y isilang
May tatlong haring nagsidalaw
at ang bawat isa ay
nagsipaghandog ng tanging alay.
CHORUS
Bagong taon ay mag-bagong buhay
nang lumigaya ang ating bayan;
Tayo'y magsikap upang
makamtan natin ang kasaganaan.
Tayo'y mangagsi-awit
Habang ang mundo'y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng sanggol na dulot ng langit.
Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong-aral,
At magbuhat ngayon
kahit hindi Pasko ay magbigayan.
(Repeat Chorus and last stanza)
0 comments:
Post a Comment