Ang kulturang Filipino ay may makulay na tradisyon tungkol sa kasal, kasama na rito ang mga pamahiin tungkol sa kasal na nagsimula pa mula sa ating mga ninuno, ang mga pamahiin ay naging bahagi na ng kulturang Filipino. Sa makabagong panahon, iilan na lamang ang sumusunod rito ngunit sabi ng iba, wala naman daw mawawala kung susundin ito.
Heto ang ilang mga pamahiin na sinusunod ng mga Pilipino:
- Sa pagpili ng araw ng kasal , itapat ang araw ng kasal kung bilog ang buwan (full moon). Ito ay simbolo na magkakaroon ng masaganang pagsasama ang mag-asawa.
- Bawal ikasal ang magkapatid ng sukob sa taon, dahil maaring malasin ang isa sa magkapatid dahil magkakaroon ng kompetisyon o pagaagawan ng suwerte.
- Iwasan ang paglalakbay. Ang lalaki at babaeng ikakasal ay dapat iwasan ang paglalakbay upang maiwasan ang mga sakuna.
- Bawal isukat ng babaeng ikakasal ang damit pangkasal bago ang araw ng kasal. Ito raw ay magdudulot ng masamang kapalaran o baka di matuloy ang kasal. Ang damit na pangkasal ay maaring isukat kung hindi pa ito kompleto o tuluyan yari.
- Ang babaeng ikakasal lang daw ang dapat nakaputi sa araw ng kasal dahil puti ang simbolo ng busilak na pagkadalaga.
- Hindi dapat magkikita ang babae at lalaking ikakasal, isang araw bago ikasal dahil baka di matuloy ang pag-iisang dibdib.
- Huwag magsuot ng perlas na alahas katulad ng kuwintas o hikaw ang babaeng ikakasal, ang perlas ay simbolo ng luha, ito ay maaring magdala ng luha at pighati sa buhay may asawa.
- Huwag mag reregalo ng kutsilyo at matulis o matalas na bagay sa ikakasal dahil ito ay malas.
- Sa mga panauhin, bawal magsuot ng damit na kulay itim sa kasalan, dahil ang kulay itim ay simbolo ng kasawian o kalungkutan.
- Paghagis ng bride's bouquet sa mga panauhing babae na walang asawa. Ang makasasalo ng bulaklak na inihagis ng bride ay siyang susunod na ika-kakasal.
0 comments:
Post a Comment