Study anytime, anywhere. Resources for students and families.

Wednesday, September 25, 2019

Ang kalabaw at ang baka

Bakit masikip ang damit ng kalabaw at maluwag naman ang sa baka?

Noong unang panahon ang balat ng kalabaw ay hindi katulad ng sa ngayon, ganoon din ang sa baka. Ang baka at ang kalabaw ay matalik na mag- kaibigan. 


Isang araw niyaya ng kalabaw na maligo sa ilog ang baka. Pagdating nila sa ilog ay hinubad nila ang kanilang damit at tumalon sila sa tubig.





Lumipas ang maraming oras, naalala ng kalabaw na tanghali na at sila ay kailangan ng bumalik at kung hindi ay mag aalala ang kanilang mga amo. Sinabi niya sa baka na mabuti pa'y sila ay umuwi na, ibig na ring umuwi ng baka at baka nga sila mapagalitan ng kanilang amo. 


Sa kanilang pagmamadali ang damit ng baka ay naisuot ng kalabaw at ang damit naman ng kalabaw ay naisuot ng baka.  Hindi nila naalala hanggang naabutan sila ng kanilang amo, at hinabol silang pauwi. Hanggang sa ngayon hindi pa sila nagpapalitan ng damit.

Source: De Guzman, Maria Odulio (1972), Mga Alamat ng Pilipino, National Bookstore, Inc.: Manila, Philippines








Share:

0 comments:

Post a Comment

Luzon

Luzon

Manila

Manila

Philippine Dance

Philippine Dance

Obando Dance

Obando Dance

Florante at Laura

Popular Posts

Blog Archive

Contact Form

Name

Email *

Message *

Copyright © My Philippines | Powered by Blogger

Design by ThemePacific | Blogger Theme by NewBloggerThemes.com