Noong unang panahon, ayon sa ating mga ninuno, ay mayroong magkasintahan na nag-iibigan, walang kasintamis ang kanilang pagmamahalan.
Minsan isang araw ay may ginagawang pagsubok ang dalaga sa katapatan ng binata. Dahil sa malaking pag-ibig nito sa dalaga ay tinanggap nito ang hamon.
Kaagad na sinabi ng dalaga sa kasintahan na kailangan niya ang puso ng kanyang ina. Ito ang kahilingan ng dalaga at pag nagawa mo ito at magtagumpay ka ay aagad tayong magpapakasal.
Kaagad na sinabi ng dalaga sa kasintahan na kailangan niya ang puso ng kanyang ina. Ito ang kahilingan ng dalaga at pag nagawa mo ito at magtagumpay ka ay aagad tayong magpapakasal.
Walang sabi-sabi na umalis ang binata patungo sa kanilang tahanan upang tuparin ang kahilingan ng dalaga. Naratnan nito ang ina nagpapahinga sa silid. Nanginginig na kinuha ang balaraw at dali-daling dinukot ang puso ng ina. Kaagad nitong kinuha ang puso ng ina at patungo na sana siya sa knaroroonan ng kasintahan. Ngunit sa pagmamadali nito ay nadupilas siya at ang hawak niyang puso ay biglang nahulog sa sahig.
Nanangis ang binata at nagsisisi sa mga narinig niya. Nais niyang isauli ang puso ng ina, subalit huli na at wala nang magagawa. Dahil sa ginawa ng binata ito ay biglang pinarusahan at naging BUTIKI, na gumagapang sa mga kisame at sa mga haligi. Magmula noon siya at gapang ng gapang ito ay naging parusa sa isang anak na walang utang na loob sa kang pinanggalingan.
0 comments:
Post a Comment