Study anytime, anywhere. Resources for students and families.

Sunday, January 26, 2020

Alamat ng Pinya


Matamis at masarap ang pinya lalo na kapag katamtaman ang pagkahinog.  Kung bakit maraming mga mata at kung bakit pinya ang tawag sa kanya ay malalaman nating sa ating alamat.

Sa isang malayong pook ng lalalwigan doon nakatira ang mag-inang si Aling Osang at si Pina na kaisa-isang anak.  Palibhasa bugtong na anak hindi ito pinagagawa ng ina at sa halip siya ang nagtratrabaho ng lahat ng gawaing bahay.  Ang katuwiran ng ina ay ‘maliit na naman si Pina” marahil ay pag lumaki na ay gagawa rin siya.  Kung kaya ang gawain lamang ni Pina ay ang maglaro, maligo magbihis at matulog.  Si Pina ay lumaki sa layaw dahil na rin ay Aling Osang.  Lumipas ang maraming taon si Pina ay dalagita at pinagsisilbihan pa rin ni Aling Osang.  Nais ng Ina na turuan ang anak na gumawa ngunit naging ugali na nito ang maging tamad. Kaya sa malimit na pangyayari hindi na mautusan ng ina ang anak palibhasa ay ina kaya matiisin.  Kung ayaw magtrabaho ng anak siya na ang gumagawa.

Hanggang isang araw si Aling Osang ay nagkasakit at halos nakahiga na lamang. “Naku! Ang nanay ko bakit ka nagkasakit!” tanong ni Pina. “Ewan ko nga ba” ang wika ng Ina.  Sabay utos na kung puwede ipaglugaw nito ang nanay.  Sinunod naman nito ang utos ng ina at sa ilang saglit ay iniihain na ito ni Pina ngunit mamait-mait sapagkat ito’y sunog.  Ganoon pa man natuwa na rin ang ina pagkat kahit papano siya’y napagsilbihan ng anak.  Tumagal ang sakit ni Aling Osang.  Ngunit nagrereklamo na si Pina at pagod na raw ito sa paglilingkod sa Ina.

Isang umaga, si Pina’y nagluto at maghahain na lamang ito ngunit hindi niya makita ang sandok, “saan kaya naroroon ang sandok?” ang sambit nito.

“Hanapin mo naririyan lamang yan”, and sagot ng Ina. “Kanina pa nga ako hanap ng hanap eh. Talagang wala” ang muling sabi ng anak.

“Sana ay tubuan ka ng maraming mata ng makita mo ang iyong hinahanap,”  talagang ang anak ko ay walang katiyaga-tiyaga ang sabi ng Ina.  “Marami naman kayong sinisermon pa” ang wika ng anak sabay panaog.

“Marahil ay hahanapin niya ang sandok sa silong at baka nahulog,” ang sabi ng Ina. Lumipas ang maraming  oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas.

Nawala siyang parang bula na naglaho at walang nakakita sa kanya kahit kapit-bahay.  Ilang araw ang nakaraan sa tulong at awa ng mga kapitbahay ni Aling Osang siya ay gumaling.  Hinanap ng Ina ang anak ngunit talagang hindi na ito nakita.

Isang araw, sa may bakuran ay nagwalis si Aling Osang. Laking gulat niya nang makita niya ang tumubong halaman malapit sa kanilang tarangkahan. Inalagaan niya iyon at dinilig araw-araw. Di nagtagal at nagkaroon ito ng bunga.  Ang halamang iyon ay may mahahabang dahong maraming tinik at sa gitna ng mga dahon ay may bungang malaking na hugis ulo, na napapaligiran ng tila mata at  may korona sa ibabaw. Naalala tuloy niya ang  sinabi niya kay Pina noong siya’y may sakit. “Sana ay tubuan ka ng maraming mata ng makita mo ang iyong hinahanap”.

Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinya, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pina ay naging pinya.


Share:

0 comments:

Post a Comment

Luzon

Luzon

Manila

Manila

Philippine Dance

Philippine Dance

Obando Dance

Obando Dance

Florante at Laura

Popular Posts

Blog Archive

Contact Form

Name

Email *

Message *

Copyright © My Philippines | Powered by Blogger

Design by ThemePacific | Blogger Theme by NewBloggerThemes.com