Study anytime, anywhere. Resources for students and families.

Saturday, February 1, 2020

Salawikain tungkol sa Pag-ibig at Pagliligawan


Isang tradisyunal o nakagawiang kultura ang panliligaw ng isang lalaki upang maipahayag niya ang kanyang damdamin para sa babaeng kanyang iniibig. Isa itong paraan ng panunuyo bago humantong sa kasunduan ng pag-iisang dibdib at kasal.

Datapwa't tayo ay nasa makabagong panahon, ang mga salawikain tungkol sa pag-ibig at pag-liligawan o pagpili ng magiging kabiyak sa buhay ay totoo pa rin. 

  • Ang pag-aasawa ay hindi biro, hindi tulad ng kanin mailuluwa kung mapaso. 
  • Ang pagsintang labis na makapangyarihan, pag ikaw ay pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
  • Batang puso, madaling marahuyo. 
  • Kahoy mang babad sa tubig, sa apoy huwag ilapit, kapag ito'y nadarang sa init, sapilitang magdirikit. 
  • Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy.
  • Walang matimtimang birhen, sa matiyagang manalangin.
  • Walang matiyagang lalake, sa pihikang babae. 

      Share:

      0 comments:

      Post a Comment

      Luzon

      Luzon

      Manila

      Manila

      Philippine Dance

      Philippine Dance

      Obando Dance

      Obando Dance

      Florante at Laura

      Popular Posts

      Blog Archive

      Contact Form

      Name

      Email *

      Message *

      Copyright © My Philippines | Powered by Blogger

      Design by ThemePacific | Blogger Theme by NewBloggerThemes.com