1. Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim, kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.
2. Ano man ang gawa at dali-dali ay hindi iigi ang pagkakayari.
3. Ang langaw na dumapo sa kalabaw, mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.
4. Ang sakit ng kalingkingan, damdamin ng buong katawan.
5. Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
6. Buhay alamang, paglukso ay patay.
7. Gawain mo sa kapuwa mo, ang nais mong gawain niya sa iyo.
8. Huli man daw at magaling, naihahabol din.
9. Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.
10. Ikaw ang bahala, ako ang kaawa-awa.
11. Kuwarta na naging bato pa.
12. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
13. Papunta ka pa lamang ay pauwi na ako.
14. Sala sa lamig, sala sa init.
15. Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.
0 comments:
Post a Comment