Ito ay maaring isang simpleng pag-ngiti upang magpasalamat, pag-papalakas ng loob sa isang may karamdaman o kaya ay papuring salita sa isang bata. Lahat ng ito ay walang halagang pera. Wala mang halaga,
ang katumbas nito ay galak sa tumatanggap ng biyaya mula sa ating mabuting kalooban.
Maraming salawikain ang makapag-papaalaala kung tayo ay nakakalimot sa kabutihan at kagandahang asal.
2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman.
3. Ang magalang na sagot, nakakapwai ng pagod.
4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.
5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.
6. Ang mabuting gawa, kinalulugdan ng madla.
7. Ang may mabuting kalooban, may gantimpalang nakalaan.
8. Ang pagsasama ng tapat, ay pagsasama ng maluwag.
9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili.
10. Gawin mo sa kapwa mo, ang nais mong gawain sa iyo.
11. Kung ikaw ay nagagalit bumilang ka ng makasampung ulit.
12. Kung pinukol ka ng bato, tinapay ang iganti mo.
0 comments:
Post a Comment