Study anytime, anywhere. Resources for students and families.

Monday, February 3, 2020

Salawikain tungkol sa Pagtitiis at Pag-asa



Ang pagsubok sa buhay ay di sapat upang tayo ay mawalan ng pag-asa, maraming mga tao na dumaan sa maraming problema at pag-subok. Ang iba ay sumusuko agad, ngunit marami ang nagtitiyaga at umaasa na malalampasan ang mga problema. Dapat tandaan na huwag mawalan ng pag-asa, magkaroon ng tiwala sa sarili at positibong tanaw sa buhay. 

Narito ang ilang mga salawikain, tungkol sa pagtitiis at pag-asa,  hango sa pang-araw araw na obserbasyon sa buhay.    

1.  Ang araw bago sumikat, nakikita muna'y banaag.
2.  Daig ng maagap, ang masipag. 
3.  Habang may buhay, may pag-asa. 
4.  Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot.
5.  Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay.
6.  Kung walang tiyaga, walang nilaga.
7.  Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag.
8.  Pag may hirap, may ginhawa.
9.  Pag may kalungkutan, may kaligayahan.
10.  Pag sapit ng gabi'y laging may umaga.
11.  Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha.
12.  Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.






      Share:

      0 comments:

      Post a Comment

      Luzon

      Luzon

      Manila

      Manila

      Philippine Dance

      Philippine Dance

      Obando Dance

      Obando Dance

      Florante at Laura

      Popular Posts

      Blog Archive

      Contact Form

      Name

      Email *

      Message *

      Copyright © My Philippines | Powered by Blogger

      Design by ThemePacific | Blogger Theme by NewBloggerThemes.com