Study anytime, anywhere. Resources for students and families.

Thursday, February 13, 2020

Salawikain tungkol sa Pamilya



Ang pamilya ay isang importanteng bahagi ng ating lipunan, dito nabubuo ang mga bagay na mahalaga sa atin, ang ating ambisyon at mga pangarap. 

Huwag nating ipagbale-wala ang mga miyembro ng ating  pamilya, mahalin natin sila.  Narito ang mga salawikain na tungkol sa pamilya at mga pa-alaala sa pagpapalaki ng anak. 
1.  Anak na di paluluhain, ina ang patatangisin. 
2.  Ang anak na magalang, ay kayaman ng magulang.
3.  Ang anak na palayawin, ina ang patatangisin.
4.  Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula.
5.  Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.
6.  Ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad, sa bait at muni't sa hatol ay salat. 
7.  Ang mahusay na pagsunod, naroon sa nag-uutos.
8.  Aanhin mo ang palasyo, kung ang nakatira ay kuwago mabuti pa ang bahay kubo, ang nakatira ay tao. 
9.  Magkulang ka na sa magulang, huwang lamang sa biyenan.
10.  Madaling tuwirin ang kawayan, kung mura pa at di magulang.







      Share:

      1 comment:

      1. Huwag natin kalilimutan sa ating isip ang ating pamilya

        ReplyDelete

      Luzon

      Luzon

      Manila

      Manila

      Philippine Dance

      Philippine Dance

      Obando Dance

      Obando Dance

      Florante at Laura

      Popular Posts

      Blog Archive

      Contact Form

      Name

      Email *

      Message *

      Copyright © My Philippines | Powered by Blogger

      Design by ThemePacific | Blogger Theme by NewBloggerThemes.com