Ang pag-iimpok ay isang paraan upang ang isang tao ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Kung nais mong mag-impok, kailangan mo ng disiplina sa paghawak o pag gastos ng pera. Ang mga sumusunod na salawikain ay mga paalala at obserbasyon sa kahalagahan ng pera at pag-iimpok at ang dulot ng pera sa ating pang-araw araw na buhay.
2. Ang bulsang laging mapagbigay, hindi nawawalan ng laman.
3. Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapamahakan.
4. Ang utang ay utang, hindi dapat kalimutan.
5. Ang hindi napagod mag ipon, walang hinayang magtapon.
6. Ang panahon ay samantalahin, sapagka't ginto ang kahambing.
7. Ang salapi ang ugat ng kasamaan.
8. Kapag ang tao'y matipid, maraming maililigpit.
9. Kapag may isinuksok, may madudukot.
10. Kapag may itinanim, may aanihin.
11. Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
12. Ang salapi ay mabuting alipin at tagasunod, ngunit kapag ginawang Paginoon, tila ito sakit at matinding salot.
0 comments:
Post a Comment