Study anytime, anywhere. Resources for students and families.

Saturday, October 31, 2020

Filipino Idioms



Ang wikang Filipino ay mayaman sa sawikain, o idyoms (idioms), ito ay mga salita o grupo ng salita  na ang  kahulugan ay hindi puwedeng isalin ng literal, ito ay may ibang kahulugan.   

Ang sawikain o mga idyoms ay bahagi ng Panitikang Pilipino, ang pinagmulan nito ay di alam,  ito ay naipasa galing sa mga nagdaan henerasyon,  ito ay  di lamang ginagamit sa araw-araw na pag-uusap ng mga Pilipino, ito rin ay gingamit ng mga manunulat sa kanilang mga artikulo, upang magbigay ng  makulay na  paglalarawan, o pagtalakay.   

Naririto ang mga halimbawa ng sawikain / idyom. 


1.agaw-buhay naghihingalo
2.anak-dalita mahirap
3.anak-pawis magsasaka; manggagawa
4.alilang-kanin utusang walang sweldo, pagkain lang
5.balitang kutsero hindi totoong balita
6.bantay-salakaytaong nagbabait-baitan
7.bungang-tulog panaginip
8.balat-sibuyas maramdamin
9.buto't balatpayat na payat
10. basag-ulo gulo, away
11.bungang-tulog panaginip
12.di makabasag-pinggan  mahinhin
13.di mahulugang-karayom maraming tao
14.haligi ng tahananama
15.Ilaw ng tahananina
16.Ilista / isulat sa tubigkalimutan
17.itaga sa bato tandaan
18.kaututang dila katsismisan
19.kumukulo ang dugo naiinis, nasusuklam
20.kusang palo sariling sipag
21.lumaki ang uloyumabang
22.makati ang paa mahilig sa gala o lakad
23.mababaw ang luha madaling umiyak
24.mahaba ang buntot batang laging nasusunod ang gusto
25.makitid ang isip mahinang umunawa
26.nagbabatak ng buto nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan
27.nagbibilang ng postewalang trabaho
28.naglahong parang bula nawalang bigla, di na nakita
29.namamangka sa dalawang ilog salawahan
30.namuti ang mata nainip sa kahihintay
31.nagmumurang kamatis matandang nag-aayos binata o dalaga
32.ningas-kugon panandalian, di pang-matagalan
33.panis ang laway taong di-palakibo
34.pag-iisang dibdib kasal
35.pagkagat ng dilim pag lubog ng araw
36.saling-pusapansamantalang kasali sa laro o trabaho
37.sampid-bakod nakikisunod, nakikikain, o nakikitira
38.taingang kawalinagbibingi-bingihan
39.takaw-tulog mahilig matulog
40.utak-biya bobo
Share:

0 comments:

Post a Comment

Luzon

Luzon

Manila

Manila

Philippine Dance

Philippine Dance

Obando Dance

Obando Dance

Florante at Laura

Popular Posts

Blog Archive

Contact Form

Name

Email *

Message *

Copyright © My Philippines | Powered by Blogger

Design by ThemePacific | Blogger Theme by NewBloggerThemes.com